SANCHEZ MIRA, Cagayan – Ilang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa isang dormitoryo sa Barangay Centro 2, sa bayang ito, na ni-raid ng mga pulis kamakailan.

Nadiskubre sila ng caretaker ng Josue Dormitory na si Cristy Yacap, 21, sa ibabaw ng double deck bed sa isa sa mga kuwartong nililinis niya Linggo, Hunyo 19, bandang 1:30 ng hapon.

Ipinaalam ni Yacap sa lokal na pulisya ang tungkol sa iligal na droga na siya ring nagdala sa Sanchez Mira police headquarters para sa tamang disposisyon, ayon kay investigator-on-case Police Chief Master Sergeant Vladimir Enteria.

Isinagawa ang buy-bust operation sa dormitoryo nitong Martes, Hunyo 14, ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group-Special Operation Unit 2 (PNP-DEG SOU2), Philippine Drug Enforcement Agency-Region 2 (PDEA-RO2), at pulis dito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Arestado ang dalawang hinihinalang drug personalities – sina Reynalyn Tingson, alyas “Ninit,” 44, at Nor Aina Ibrahim, ng San Jose del Monte City, Bulacan.