Nananatili ang bagsik ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon habang nagpapatuloy ang degassing mula sa summit vent nito nitong Lunes, Hunyo 13, sabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

“Steam-laden plumes have been generated with periods of profuse volume and sporadic ashing that began at 4:30 a.m.,” anang Phivolcs sa kanilang 5pm update, Lunes.

Hindi bababa sa limang yugto ng emissions ng gray ash plume na humigit-kumulang 400- hanggang 750-meter-high mula sa Blackbird Crater at labis na singaw mula sa summit vents ang naobserbahan mula sa mga IP camera ng Bulusan Volcano Network (BVN).

“These events registered very weakly or not at all in the seismic record and not at all in the infrasound record of the BVN,” sabi ng Phivolcs.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Much of the ash was dispersed to the northwest of the summit, but no ashfall on population centers has been additionally reported,” dagdag nito.

Sinabi ng Phivolcs na namataan ang light ashfall sa Catanusan, Juban, Sorsogon at sa upper northwest slopes ng Bulusan Volcano bandang alas-9 ng umaga.

Sinabi ng Phivolcs na ang aktibong bulkan ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1, na nangangahulugan na ito ay nasa estado pa rin ng hydrothermal unrest.

Ang status ng Bulkang Bulusan ay itinaas mula Level 0 hanggang Level 1, kasunod ng isang phreatic eruption noong Hunyo 5. Ito ay nagkaroon ng isa pang phreatic eruption noong Hunyo 12.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer permanent danger zone dahil sa posibleng biglaang steam-driven o phreatic eruptions.

Samantala, pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag sa pagpasok sa two-kilometer extended danger zone, na nasa timog-silangan na sektor ng Bulusan Volcano.

Higit pa rito, ang mga taong naninirahan sa loob ng mga lambak at sa tabi ng mga daluyan ng ilog/sapa lalo na sa timog-silangan, timog-kanluran at hilagang-kanlurang sektor ng edipisyo ay pinayuhan na maging mapagbantay laban sa sediment-laden stream flows at lahar sakaling magkaroon ng malakas at matagal na pag-ulan sakaling magkaroon ng isa pang phreatic eruption.

Nagkaroon din ng phreatic eruptions ang Bulusan Volcano noong Hunyo 5 at 12.

Ellalyn De Vera Ruiz