Sinibak na sa serbisyo ang 18 na opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot sa kontrobersyal na "pastillas" scheme kung saan iligal nilang pinapapasok sa bansa ang mga Chinese.
Ito ang isinapubliko ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Neal Vincent Bainto at sinabing napatunayang nagkasala ang mga ito sa reklamong Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service na may kinalaman sa nasabing usapin.
“The 18 respondents have been meted the penalty of Dismissal from the Service, with the imposition of the proper accessory penalties,” paliwanag ni Bainto sa panayam ng mga mamamahayag.
Pinagbabawalan ding magtrabaho sa pamahalaan ang mga nabanggit na opisyal at tauhan ng ahensya.
Kabilang sa mga ito sinaFrancis Dennis Robles, Glen Ford Comia, Rodolfo Magbuhos Jr., Deon Carlo Albao, Danieve Binsol, Paul Erik Borja, Abdul Fahad Calaca, Anthony Lopez, Gabriel Ernest Estacio, Chevy Chase Naniong, Danilo Deudor, Ralph Ryan Garcia, Phol Villanueva, Fidel Mendoza, Benlando Guevarra, Bradford Allen So, Cecille Jonathan Orozco, at Erwin Ortañez.
Sa ilalim ng sistema, pinapahintulutang pumasok sa Pilipinas ang mga Intsik kahit hindi sila dumadaan sa airport immigration desk kapalit ng₱10,000 na ibinabalot katulad ng pastillas candy.