Inanunsyo ni Southern Police District (SPD) Director, Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang pagkakaaresto ng dalawang pinaghihinalaang drug suspect matapos silang makumpiskahan ng ₱380,800 na halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Parañaque City nitong Hunyo 8.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Dennis Palen Castro, alyas Kamote, 51; at John-Roy Herrera Cubero, 29, kapwa taga-nasabing lungsod.

Naiulat ng mga awtoridad na dakong 4:00 ng madaling araw nang dakpin ng mga pulis ang dalawa sa Hontiveros Compound, 4th Estate Subd., Brgy. San Antonio, Parañaque City.

Nasamsam sa mga suspek ang ilang plastic sachet na naglalaman ng umano'y iligal na droga at marked money.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kina Castro at Cubero.