Aabot sa ₱10 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa Orion, Bataan kamakailan, ayon sa Bureau of Customs (BOC).

Sa pahayag ng BOC, pinangunahan ng Enforcement Security Services-Customs Intelligence and Investigation Service (ESS-CIIS), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG)-K9 Unit (PCG) ang operasyon sa isang tindahan at resort sa Barangay San Vicente nitong Hunyo 6.

Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng letter of authority (LOA) na inilabas ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Kabilang sa nakumpiska ang 487 na kahon ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng ₱10 milyon.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Inihahanda ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Republic ACt 1401 (Customs Modernization and Tariff Act) laban sa may-ari ng lugar kung saan nakumpiska ang mga puslit na sigarilyo.