Matapos magpaalam sa ere ng mahigit isang taon, magbabalik na ang 2010 sitcom hit na Pepito Manaloto para sa kanilang brand new episodes.

Nakatakda nang magbalik ang Saturday comedy show na Pepito Manaloto matapos inisyal na magpaalam noong Mayo 29, 2021.

Ngayong Sabado, Hunyo 11, matutunghayan muli ang Pamilya Manaloto sa pagpapatuloy ng kuwento.

Samantala, naiula dint kamakailan na si comedy genius Michael V ang tatayong bagong direktor ng programa kasunod ng pagpanaw ni Direk Bert De Leon noong 2021, na siyang lumikha ng unang dalawang libro ng Pepito Manaloto.

Pelikula

Vice Ganda, sumawsaw sa iringan ni Carlos Yulo at pamilya?

Basahin: Direktor na si Bert De Leon, pumanaw na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

"Nung nawala siya, nung nagpaalam siya, parang wala kaming choice eh. Hindi namin maatim na palitan si Direk," ani Bitoy.

"Kaya minabuti na lang namin na in the meantime, ako muna 'yung mag-helm nung directorial job," dagdag niya.

Ang pinakabagong edisyon ng kwento ay tatawaging “Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento.”