Patay ang isang lalaking senior citizen nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Sta. Mesa, Maynila nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sinabi ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), kinikilala pa ng mga awtoridad ang 60-anyos na namatay sa sunog.

Sa ulat ng BFP, dakong 4:30 ng madaling araw nang sumiklab ang isa sa bahay sa residential area sa V. Mapa St. sa Sta. Mesa.

Isang kapitbahay, na nagtitinda umano ng mami tuwing gabi, ang nagsabing nakita niya ang pagsiklab ng isa sa mga bahay kaya nagpasaklolo ito sa mga residente.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Dakong alas- 5:53 ng madaling araw nang maapulaang sunog.

Nasa 10 pamilya umano ang naapektuhan ng insidente na iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad.