Dalawang pinaghihinalaang drug suspect ang natimbog ng pulisya matapos mahulihan ng ₱884,000 na halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu kamakailan.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Vicente Danao, Jr. ang mga suspek na sina Henry Yungco Montalban, alyas Daot, 42, at Roel Gabunada, 27.

Naiulat ng pulisya, naaresto ang dalawa sa anti-drug operation sa Purok Mahogany, Brgy. Estaca, Compostela, Cebu nitong Biyernes ng gabi.

Nasamsam sa dalawang ang umano'y ilegal na droga, isang Cal. 45, isang Kimber pistol na may apat na bala, marked money at isang belt bag.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Ang dalawa ay nakakulong na sa Compostela Municipal Police Station at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.