Magpapatupad ang Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) ng karagdagang P0.78 per kilometer na toll hike simula sa Miyerkules, Hunyo 1.

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ng operator na North Luzon Expressway (NLEX) Corp. na aprubado ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll rate adjustment para sa naturang expressway.

Ayon sa NLEX, ang toll increase ay tumalima sa regulatory procedures at sumailalim sa masusing pagrepaso.Kinukumpirma din anila ng increase ang periodic rate adjustments na due noon pang 2017.

Tiniyak naman ng NLEX na ang mga public utility buses (PUBs) ay pagkakalooban nila ng toll subsidies ng SCTEX at hindi muna kasama sa bagong rates sa susunod na tatlong buwan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“To support the public utility buses (PUBs) cope with the adjustment, they will be provided toll subsidies and allow them to continue to enjoy the old rates for the next three months,” anang NLEX, na subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corp..

Base sa bagong toll matrix para sa SCTEX, simula sa Hunyo 1, 2022 ang mga Class 1 vehicles na bibiyahe mula Mabalacat City hanggang Tarlac ay may karagdagang bayad sa toll na P31; P61 naman para sa Class 2 vehicles at P92 para sa Class 3 vehicles.

Ang mga bibiyahe naman sa pagitan ng Mabalacat City at Tipo, Hermosa, Bataan, malapit sa Subic Freeport ay may karagdagang bayaring P49 para sa Class 1 vehicles; P98 para sa Class 2 vehicles at P147 para sa Class 3 vehicles.