Dalawang bahay ang naabo matapos magkaroon ng sunog sa isang residential area sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

Sa pahayag ni Agham Fire Station commander Insp. Alex Maglaya, dakong 8:20 ng gabi nang sumiklab ang isang sasakyang nasa garahe saBarangay Sta. Teresita.

"Nag-start 'yung sunog, unang tawag sa amin vehicular fire, pagdating ng field responder namin eh 'yung bahay gawa sa light material tsaka may naka-storage na mga karton kaya medyo natagalan 'yung sunog natin medyo inabot tayo ng mahigit sa isang oras," sabi ni Maglaya sa panayam sa telebisyon.

Dakong 9:12 ng gabi nang maapula ang sunog, ayon pa kay Maglaya.

Metro

2 holdaper, nanlaban umano sa mga umaarestong pulis

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente.