Sa nalalapit na pagtatapos ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, nakilala na ang ilan sa mga housemates na bubuo at magiging parte ng ‘PBB Big 5’ ng edisyong ito.

Pasok na sa magaganap na Big Night ang Celebrity Kumunity Housemates na sina Anji Salvacion, Samantha Bernardo, at Brenda Mage matapos nilang mapag-tagumpayan ang kanilang huling ‘Kumunitest’ laban sa Adult at Teen Kumunities.

Naging mahigpit ang laban ng Celebrities at Teens sa kanilang huling challenge kung saan nanaig at tuluyang nanalo ang mga celebrity housemates. Naging emosyonal naman sina Anji, Brenda, at Samantha nang isa-isa silang paakyatin ni Kuya sa kani-kanilang Big 5 platform.

Samantala, agad namang nag-trending sa Twitter ang hashtags na “Big 5” at “#PBBRoadToBigFive” kasabay ng pagbati ng mga netizens sa tagumpay ng mga Celebrity Housemates.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Congratulations Celebriteam -- Anji, Sam and Brenda for officially being part of the Big 5!” saad ng Twitter user na si @magulangsofanji.

Samantala, pagbobotohan naman ng taumbayan kung sino sa mga natitirang housemates mula sa Adult at Teen Kumunities ang makakasama ng mga Celebrities sa Big Night.

Magaganap ang ‘Biga10 na Big Night’ ng PBB sa darating na Linggo, Mayo 29, alas-siyete ng gabi.