Gagamiting pangunahing isolation facility para sa mga mahahawaan ng monkeypox angResearch Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.

Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes at sinabing nagtutulungan na ang Field Implementation and Coordination Team (FICT) at ang One Hospital Command Center (OHCC) kaugnay ng pagtatalaga ng mga isolation facility na nakasusunod sa mga panuntunan ng pamahalaan.

“According to DOH Department Memorandum No. 2022-0220 Interim Technical Guidelines for the Implementation of Monkeypox Surveillance Screening, Management, and Infection Control, during the activation of Doors 1 and 2 of DOH’s 4-Door Alert System, the RITM is hereby designated as the main isolation facility for suspect, probable, and confirmed monkeypox cases,” pahayag nng DOH.

Nitong Miyerkules, inanunsyo ng DOH na ipatutupad nila ang four-door strategy na sandigan ngNational Emergency Operational Response Plan upang maiwasan at makontrol ang paglaganap ng nasabing nakahahawang sakit.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Paliwanag ng ahensya, tutukuyin ngFICT at ng OHCCang mga regional isolation facilities na tutugon sa pangangailangan ng iba pang international points of entry.

Inatasanna rin ang mga ospital ng gobyerno na maglaan ng mga isolation at treatment facilities kapag naging aktibo na ang "Door 3 at 4."

“Cases shall be immediately isolated in a private room, preferably with negative air pressure, until signs and symptoms have been resolved,” pagdidiin pa ng DOH.

Kamakailan, inanunsyoni DOH Secretary Francisco Duque III na patuloy nilang sinusubaybayan ang sitwasyon ng sakit sa buong mundo kasabay na rin ng paghihigpit ng Pilipinas sa mga biyaherong pumapasok sa bansa.

PNA