Mawawalan ng suplay ng tubig ang siyam na lugar sa Metro Manila, at bahagi ng Bulacan simula ngayong Lunes, ayon sa Maynilad Water Services, Incorporated (MWSI).

Idinahilan ng nabanggit na water reservoir, nais lamang nilang mapanatili ang mataas na water level ng Angat Dam na pinagkukunan nila ng tubig.

Simula 10:00 ng gabi ng Mayo 16 hanggang 4:00 ng madaling araw kada araw hanggang Hunyo 1 ay mawawalan ng suplay ng tubig ang mga customer ng Maynilad sa mga sumusunod na lugar: Caloocan, Makati, Malabon, Manila, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon City, Valenzuela, at Bulacan.

Paliwanag ng kumpanya, mabilis ang pagbaba ng lebel ng tubig sa naturang dam dahil malakas ang konsumo kapag araw, lalo na ngayong tag-init.

Probinsya

'Bawal judgemental?' Lalaking nilait ang katrabaho, tinaga sa ulo!

“This will enable us to refill our reservoirs at night in preparation for the daytime peak demand,” ayon sa MWSI.