Isa ang patay at siyam ang naiulat na nasugatan nang sumiklab ang riot sa Quezon City Jail nitong Biyernes, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Kinikilala pa ng mga awtoridad ang napatay at siyam na nasugatan.

Sangkot sa kaguluhan ang "Bahala na Gang," "Batang City Jail," at "Sigue-Sigue Sputnik," ayon kay BJMP-NCR regional community relations chief J/Sr. Insp. Midzfar Omar.

Aniya, tumagal lamang ng limang minuto ang kaguluhan matapos mapayapa kaagad ng mga jail guard.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nasamsam ng mga jail guard ang ilang sumpak na sinasabing ginamit sa riot.

Kaagad na nilinaw ng BJMP na ginawa sa loob ng piitan ang mga sumpak na narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente, ayon pa kay Omar.