Arestado ang dalawang babaeng pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Makati City nitong Mayo 12.

Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Lorina Tibay Raymundo, 45, may asawa, at Mona Lissa Ubalde Valencia, 34, dalaga, kapwa taga-Makati City.

Sa police report, isinagawa ang buy-bust operation sa J.P. Rizal Extension, Brgy. Cembo, dakong ala-1:45 ng madaling araw na nagresulta ng pagkakaaresto ng dalawang suspek.

Nakumpiska kina Raymundo at Valencia ang apat na pakete na naglalaman ng 10.64 gramo ng 'shabu' na nagkakahalaga ng ₱72,352 at marked money.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

“I would like to commend our District Drug Enforcement Unit at mga kasama nito sa matagumpay na operasyon. Ang laban ng Southern Police District (SPD) kontra iligal na droga ay alay namin sa inyo, mga kababayan na katulad naming ay ayaw sa iligal na droga," pagbibigay-diin naman ni SPD Director Brig. Gen. Jimili Macaraeg.