Tuloy pa rin ang pagbabago sa Lungsod ng Pasig matapos iproklama bilang alkalde si Mayor Vico Sotto nitong Martes ng umaga, Mayo 10. 

"Malinaw na malinaw ang tinig nating mga Pasigueño: TULOY ANG PAGBABAGO," sabi ni Sotto.

Nagpasalamat si Sotto sa kapwa Pasigueño sa tiwala at suporta ng mga ito sa kaniya at sa buong Giting ng Pasig. 

Ibinahagi rin niya ang mga larawan sa nakalipat na 30 oras.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Nakabantay kami mula sa pagbukas ng mga presinto kahapon hanggang canvassing & proclamation kaninang 7am. Pagkatapos ng proclamation, dumiretso naman ako sa Flag-raising Ceremony at Oplan Kaayusan. Ngayon naman, matutulog muna ako. Good night," anang alkalde.

Siya ay ipinroklamang City Board of Canvassers (CBC) nitong Martes ng umaga matapos ang 12 oras ng canvassing mula sa 612 na presinto.

Nakakuha si Sotto ng 335,851 votes base sa huling tally ng CBC.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/10/vico-sotto-muling-nanalo-bilang-alkalde-ng-pasig-city-mga-kaalyado-panalo-rin/