Sisimulan na ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang pagsasagawa ng dynamic trial runs para sa mga branch-new 4th General trains sa buong linya ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Sa isang paabiso ng LRMC nitong Miyerkules, nabatid na isasagawa ang naturang dynamic trial runs simula ngayong Miyerkules ng gabi, Mayo 4, 2022, hanggang sa mga susunod na araw at linggo, tuwing off-peak hours at weekends.

Paglilinaw naman ng LRMC, hindi pa maaaring sakyan ng mga pasahero ang mga bagong Gen-4 trains na sasailalim sa trial runs.

“Isinasagawa ang trial runs upang malaman ang reliability at performance para masiguro ang kaligtasan kapag ito ay gagamitin na para sa regular commercial operations sa buong linya ng LRT-1,” anang LRMC.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Sinisiguro naman ng pamunuan ng LRMC na walang magiging epekto ang nasabing trial runs sa normal na operasyon ng LRT-1 mula Baclaran Station hanggang Balintawak Station.

“Salamat po sa pag-unawa. Ingat po sa biyahe!” anito pa.