Ibinahagi ni Herlene 'Hipon Girl' Budol ang kaniyang katuwaan at pagtanaw ng utang na loob sa dalawang 'Wil' ng buhay niya na tumulong sa kaniya upang sunggaban ang mga oportunidad na dumating sa kaniyang buhay.

Una na riyan ang unang nakadiskubre sa kaniya---si Wowowin host Willie Revillame, na aniya ay agad na tumawag sa kaniya nang malaman nitong nakapasok siya sa Binibining Pilipinas 2022, sey niya sa kaniyang Facebook post noong Abril 25.

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay

"Hi mga KaSquammy, after ako ma announce na Official Candidate ng Binibining Pilipinas 2022, tumawag sa akin si Kuya Willie Revillame para i-congratulate ako. Isa rin karangalan para sa akin na Kuya Wil ito no, hehe masaya na may halong iyak ako habang kausap ko siya sa phone dahil siya ang humulma sa akin at sobrang proud siya sa akin at natutuwa po siya sa akin kasi lagi ko daw siya ina-acknowledge! Hindi ko raw siya nakakalimutan! Syempre naman alagang Wowowin si Hipon Girl."

"Nag-gained ako ng popularity dahil sa pag joined ko sa Wowowin segment na 'Willie of Fortune' tapos siya rin nakakita sa aking potential at ginawa akong regular host dahil sa kakulitan at funny jokes ko! Malaki utang na loob ko sa kaniya dahil kalahating utak ko, siya ang nag-ambag," pagmamalaki ni Herlene kay Kuya Wil.

At syempre, ang pangalawang 'Wil' ay ang kasalukuyan niyang talent manager na si Wilbert Tolentino, na siyang TM din ni Madam Inutz na aktibo naman sa ABS-CBN. Si Wilbert ang humikayat at nag-invest nang bonggang-bongga sa kaniya upang pasukin ang mundo ng beauty pageantry na popular na popular sa Pilipinas.

"Gayon naman another WIL ang nakakita rin ng potential ko sa pageant field. Kaya salamat din kay Sir Wilbert Tolentino sa lahat-lahat. In God's will talaga! Lagi ko 'yan panalangin at pinagpe-pray na maging malakas ang kalusugan sa dalawang importanteng WIL sa buhay ko at syempre sa buong Ka-Squammy, KaBudol at Hiponatics na laging nakasubaybay sa akin."

Ipinangako ni Herlene na hinding-hindi niya sasayangin ang oportunidad na dumarating sa kaniya ngayon. Wala raw kaalam-alam ang kaniyang mga magulang na sina Nanay Bireng at Tatay Oreng sa BP 2022 journey niya, kaya si Wilbert na raw ang bahalang magbitbit sa kanila patungo sa coronation night, para masorpresa ang mga ito.

"Pagbubutihin ko ang aking performance para maging proud sila sa akin. Pangako na sisikapin ko po itong opportunity kaya prayer is the best weapon pa rin," ani Herlene.

Samantala, tumugon naman dito si Wilbert.

"Nice attitude mima Herlene Hipon Budol," saad ng talent manager.

May be an image of 3 people, people standing and indoor
Willie Revillame, Wilber Tolentino, at Herlene Budol (Larawan mula sa FB/Herlene 'Hipon Girl' Budol)