May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bahay ni Teddy Corpuz, nilooban; gadget na nakulimbat, naisauli!

Bahay ni Teddy Corpuz, nilooban; gadget na nakulimbat, naisauli!
Photo courtesy: Teddy Corpuz (TikTok)

Nagbigay ng update si "It's Showtime" host at Rocksteddy vocalist Teddy Corpuz tungkol sa insidente ng pagnanakaw sa kanilang tahanan kung saan nakuha ang kanilang i-Pad at ilan pang items gaya ng alahas.

Ayon sa ulat ng Quezon City District Police (QCPD), isang 24-anyos na akyat-bahay ang nanloob sa bahay ni Teddy kung saan nahagip pa siya ng CCTV.

Dahil sa CCTV footage, natunton ng mga awtoridad ang suspek sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City, na residente pala sa lugar.

Sa panibagong update ni Teddy sa pamamagitan ng kaniyang TikTok video, sinabi niyang naibalik na sa kanila ang i-Pad matapos isuplong ng kapatid ng suspek kung saan tinago ang kinuhang gamit. Hindi naman naibalik kay Teddy ang ilang mga singsing, pero aniya, hindi siya nanghihinayang dahil mura lang at hindi naman daw tunay.

“Okay lang yun kasi mura lang naman yung mga singsing. Hindi naman totoo yung mga singsing na yun,” ani Corpuz.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Pinasalamatan ni Teddy ang mga netizen na agad daw na naging "imbestigador" at "detective" para matulungan siyang matunton at makilala ang suspek.

Hangad daw ni Teddy na mahuli ang magnanakaw at sana raw, maging vigilante pa rin ang mga tao para sa kanilang seguridad.