Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila simula Biyernes, Abril 29.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ng Biyernes sisimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa:

EDSA Guadalupe Makati City NB innermost lane (bus way) magmula sa EDSA Guadalupe footbridge hanggang EDSA Guadalupe Cloverleaf (malapit sa Guadalupe MRT Station)

EDSA Quezon City NB/ EDSA Quezon City SB P. Tuazon Aurora Blvd. 1st lane buhat sa sidewalk (intermittent section) at Aurora Blvd. hanggang Arayat 1st lane mula sa sidewalk

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

C-5 Road NB (3rd lane) bago mag-Mckinley Road Makati City; at C-5 Road SB Makati City sa 2nd lane malapit sa elevated U-Turn.

Isasaayos din ang EDSA-SB Caloocan City bago Biglang Awa St., (3rd lane buhat sa sidewalk) Caloocan City.

West Ave. Quezon City sa West Ave. pagitan ng Bulletin Street at Times St. (1st lane mula sa sidewalk)

Mindanao Ave. NB Quezon City buhat sa Shell Gas Station hanggang Road 20 (2nd lane/ truck lane)

EDSA SB Quezon City Service Road Corner 11th Jamboree hanggang Timog Avenue intersection-opposite Mapagmahal St. hanggang Kamuning Road (2nd block mula sa sidewalk)

C.P. Garcia Ave. papuntang Katipunan Ave. Quezon City (C5) harapan ng Institute of Mathematics (1st block magmula sa sidewalk)

C-5 Road Pasig City sa Pasig Blvd. SB harapan ng North American Automotive at sa Doña Julia Vargas Westbound harapan ng Banco De Oro Julia Vargas Pasig City

at sa A. Bonifacio panulukan ng C3 Quezon City.

Ang mga apektadong kalsada ay bubuksan sa trapiko sa Lunes, Mayo 2 sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.