NEGROS ORIENTAL - Ipinangako ni Vice President Leni Robredo na isusulong ang mas malawak at epektibong programa para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) kapag nanalo ito sa pagka-pangulo sa 2022 National elections.

"Lahat na senior citizens makatatanggap ng pensyon, at dodoblehin natin 'yung natatanggap ngayon," sabi ni Robredo sa mga dumalo sa kanyang campaign sortie sa Canlaon City sa lalawigan nitong Miyerkules.

Sa kasalukuyang panuntunan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakatatanggap ng P500 na allowance ang mahihirap na senior citizens kada buwan. Ang nasabing allowance ay ibinibigay ng gobyerno kada tatlong buwan.

Kulang aniya ang nasabing halaga para sa araw-araw na maintenance medicine ng matatanda, sabi nito sa isang television interview.

Probinsya

Kolehiyalang nanlaban umano sa 'rapist,' patay matapos pagsasaksakin

Inayunan din nito ang panawagan ng mamamayan ng lungsod na ibigay na sa kanila, kahit sila ay nasa 80 hanggang 90 taong gulang pa lamang, ang nasa batas na cash gifts na P100,000 na kadalasan ay ibinibigay sa mga centenarians o 100 taong gulang.

"Para ma-enjoy ninyo pa naman, 'di ba? Para ma-enjoy pa, kasi 'pag 100 years old na ibibigay, hindi na natin na-eenjoy," pagdidiin pa nito.