Niyanig ng 6.1-magnitude na lindol ang bahagi ng Davao Oriental nitong Huwebes ng umaga.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang lindol ay naitala sa layong 78 kilometro timog silangan ng Manay dakong 5:57 ng madaling araw.

Ang pagyanig na dulot ng tectonic ay lumikha ng lalim na 21 kilometro, ayon sa Phivolcs.

Naramdaman din ang Intensity IV sa Manay, General Santos City at Tampakan sa South Cotabato.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tumama naman ang Intensity II sa Davao City, Bislig City, Kidapawan City at General Santos City.

Walang inaasahang pinsala at aftershocks ang pagyanig.