Aabot sa 105 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng ₱714,000 ang nakumpiska sa isang mag-ama sa isinagawang buy-bust operation sa Parañaque City nitong Abril 21.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, Brigadier General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Archieval David Tesoro, 44, at Aldrich Gabriel Tesoro, 21, pawang residente  sa Parañaque City. 

Sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at Sub Station 5 sa #7 Pictorial Lane 4th Estate Subdivision, Brgy. San Antonio, Parañaque City, dakong 4:20 ng madaling araw nitong Huwebes.

Nasamsam sa mga suspek ang 'iligal an droga', marked money, at pouch. 

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Nakapiit ang mag-amang suspek sa Parañaque City Police Station Custodial Facility at nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings.

“Nakakalungkot isipin na ang haligi ng tahanan na siyang dapat na maging modelo ang siya pang nagdala sa kaniyang anak sa tiyak na kapahamakan, magsilbi nawa itong babala sa ating mga kababayan na ayaw tumigil sa ganitong kalakaran, hindi mangingimi ang Southern Police District na hulihin at ipakulong kayo kapag nahuli namin kayo na nagtitinda at gumagamit ng ipinagbabawal na illegal na droga,” pahayag ni Macaraeg.