Kasunod ng paglilinaw kamakailan ni Andrea Brillantes sa mga kumalat na tsismis sa relasyon nila ni Seth Fedelin, kung saan noong Enero ay nadawit pa si Francine Diaz, matatandaang naibahagi ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ang umano’y insidente ng panunugod sa dressing room.

Naging usapan sa Showbiz Update ni Ogie kasama si Mama Loi at Tita Jegs noong Enero ang umano’y alitan sa pagitan ni Francine at Andrea dahil sa selos sangkot ang kapwa young actor na si Seth.

Basahin: Kaloka! Andrea, sinugod nga ba si Francine sa dressing room dahil kay Seth? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Pagdating sa trabaho okay sila, pero may kaniya-kaniya silang set of friends. Eh ang lumalabas tuloy na mabait ay itong si Francine. Itong maldi-maldita raw ay itong si Blythe, si Andrea. Iyan yung mga nakakarating sa atin, ano…” mababanggit sa detalye ni Ogie sa kanyang vlog noong Enero.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dito sunod na nabanggit ng talent manager ang umano’y pagsugod ni Andrea sa dressing room ni Francine na nag-ugat dahil lang nais magpa-picture ni Seth kay Francine.

Matapos ang kanilang matagumpay na proyektong Kadenang Ginto, matatandaang sunod na ipinakilala noon para maging isang bagong love team ng Kapamilya Network sina Seth and Andrea dahilan para umano magalit ang aktres sa ikinilos ni Seth.

Nanatiling tikom si Andrea at Seth sa nasabing isyu hanggang nitong gabi ng Lunes, April 11, matapos ang halos tatlong buwan, ay kinumpirma na mismo ni Andrea ang higit dalawang taon na relasyon nila ni Seth.

Basahin: Andrea Brillantes, binasag na ang katahimikan tungkol sa kanila ni Seth Fedelin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Lahat ng fake news at pag-a-assume n’yo sa nangyari sa relasyon namin, hindi po totoo ‘yun. We ended in good terms. At ‘yun naman ang importante. Napag-usapan din namin — we promised each other na magpapatuloy pa rin kami sa work namin. Because we love each other as friends,” anang aktres.

Inamin din nitong nasaktan siya nang mamataan sa isang larawan si Seth at Francine noong Enero.

“I had no contact with them when I saw the picture. So I made a TikTok which made everything worse. I know that I should have asked first, I should have consulted my managers before posting it or sana nanahimik na lang talaga ako. Pero sana man lang, guys, once maisip n’yo na tao lang din ako. And it was my first heartbreak and hindi ko talaga alam kung papaano siya iha-handle,” emosyonal na paliwanag ng 19 anyos na aktres.

Kasunod ng kanyang Tiktok video ay pumutok nga ang kabi-kabilang tsismis kabilang ang naunang panunugod umano ng aktres na binanggit ni Ogie sa kanyang vlog.

Pag-amin ni Andrea, ikinagalit niya nang husto ang pagkakalat ng umano'y pekeng balita dahilan para ikonsidera niya noon na magsampa ng kaso.

“Hindi ho ako nanugod sa dressing room. Hindi ho talaga. I also don’t know where people got that. Ang alam ko lang may isang dummy account na nag-tweet. It’s funny because naniwala naman agad lahat sila kahit it’s just words,” ani Andrea.

“Pero kasi meron ding entertainment reporter, may public figure na sinabi yun sa vlog niya which made the alleged rumor more credible for people to believe,” sunod na pagtukoy ni Andrea kay Ogie na tanging nag-ungkat sa isyu sa kanyang YouTube vlog.

Pag-amin ni Andrea, “I was mad furious, and I wanted to file a case sa mga taong nagpakalat noon.”

Sa kanilang Showbiz Update nitong Miyerkules, Abril 13, agad namang nag-react si Ogie sa naging pahayag ni Andrea.

“Sa tingin mo nay, ikaw kaya ‘yun?” natatawang tanong ni Mama Loi kay Ogie.

Saad lang ng talent manager, “Basta, ayon sa aking source, ganun ang nangyari. ‘Di naman nanugod siguro, pumunta sa kwarto para sabihing, ‘May love team tayo,’” hindi pa rin pagkambyo ni Ogie.

Gayunpaman, kinikilala niya umano ang “stand” ni Andrea sa isyu.

“Well, kung ang stand d’yan ni Andrea ay hindi totoo, so be it. Edi hindi totoo,” saad ni Ogie habang idinagdag na hindi na niya lalabanan ang detalye ng aktres.

May hirit naman ni Ogie sa sinabi ni Andrea na kung totoo man ang tsismis ay kumalat na sana ito dahil tadtad ng CCTV ang ABS-CBN.

“Wala namang CCTV sa dressing room,” sabi ni Ogie.

“Pero may mga taong nakakita?” tanong naman ni Mama Loi.

“Meron, sabi sa akin ha,” sagot ni Ogie.

“For as long as alam mo yung totoo, alam mo yung naganap doon, hindi kailangan ng validation ng tao…ngayon, kung ito ang sinasabi ni Andrea na hindi ‘yun totoo, edi ibigay natin sa kanya ‘yun,” pagtatapos na pahayag ni Ogie.