Idineklara ng One Cebu, ruling party sa Cebu province, ang kanilang suporta para sa UniTeam presidential bet Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Naglabas ng pahayag ang One Cebu na nilagdaan ni Gobernador Gwendolyn Garcia bago ang nakatakdang covenant signing ng UniTeam Alliance nitong Martes, Abril 12.
“The decision follows weeks of extensive consultations and discussions with provincial, municipal, and barangay leaders in the 44 municipalities and [seven] cities (including Mandaue City) of the Province of Cebu,” ayon sa pahayag na pinirmahan ni Garcia.
“The interests of the Cebuanos are best served if we unite behind the leadership of BBM [Marcos] as president, and, as we have earlier announced, [Davao City] Mayor Sara Duterte as vice president,” ayon naman kay Garcia.
Dadalo sa nasabing covenant signing ang UniTeam leaders na sina Marcos at Duterte.
Ang Cebu ang tinatawag na vote-rich province sa bansa na may population na 3,252,696 registered voters.
Seth Cabanban