Nagbabala si Comelec spokesperson James Jimenez tungkol sa mga exit poll na kumakalat ngayon sa social media.

Ayon kay Jimenez hindi official tally ang isang exit poll.

"An 'exit poll' is not the official tally of votes cast in the 2022 National and Local Elections. Tandaan din na bibilangin lang ang mga boto ng Overseas Voting on May 9, AFTER the close of polls," aniya sa kanyang Twitter post nitong Lunes, Abril 11, 2022.

https://twitter.com/jabjimenez/status/1513285779472404480

Binigyang-diin niya na hindi reliable ang mga exit poll na makikita social media dahil madali umanong gumawa ng mga forms or graphics na mukhang totoo.

"As a general rule, unless na ang nag labas ng exit poll ay isang kilala at reputable na survey firm, hindi ito reliable. Lalo na sa social media, madaling gumawa ng official looking forms or graphics na mukhang legit," ani Jimenez sa hiwalay na tweet.

https://twitter.com/jabjimenez/status/1513287999655903233

Kumakalat ngayon sa social media ang larawan ng exit poll sa Hongkong na kung saan makikitang nangunguna si presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa unang araw ng overseas absentee voting.

Matatandaang nagsimula ang overseas absentee voting nito lamang Linggo, Abril 10 at magtatapos sa Mayo 9, 2022. Nasa 1.69 milyon na Pilipino ang inaasahang boboto.

Samantala, ngayong araw din ay naglabas ng pahayag ang kampo ni Marcos Jr. kung saan ipinagmalaki nito na nakuha ni Marcos Jr. ang majority votes sa Hongkong at Qatar.