Nagsampa na ng kaso ang Philippine National Police (PNP) laban kina Pilar, Abra Mayor Maro Somera at Vice-Mayor Jaja Josefina Somera Disono kaugnay ng nangyaring sagupaan sa nasabing bayan nitong nakaraang buwan.

“The cases filed are the product of the evidence and testimonies that our police investigators were able to gather. Those involved individuals will be made to submit themselves to the judicial proceeding,” ayonkay PNP chief, Gen. Dionardo Carlos.

Inakusahan ng PNP sina Somera at Disono ng paglabag sa Republic Act 9208 o Expanded Trafficking in Persons Act.

Bukod sa dalawang opisyal, kinasuhan din ang dalawang empleyado ng Pilar government na sina Robert Boreta Toreno at Emmanuel Nicanor Valera.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kasama rin sa kinasuhan ang house helper na si Jericho Toreno Bufil.

Nag-ugat ang insidente nang hindi umano huminto ang van na sinasakyan ng mga tauhan ni Disono sa ikinasang checkpoint ng Pilar Municipal Police malapit sa presinto noong Marso 29 ng umaga.

Binangga pa umano ng mga ito ang dalawang pulis na sisita sana sa sasakyan.

Nang habulin ay pinaputukan pa umano sila ng mga sakay ng van na dumiretso sa isang compound na pag-aari ni Disono.

Matapos ang insidente, nag-post ang Pilar local government unit sa kanilang Facebook page at sinabing isa ang namatay na tauhan ni Disono sa pag-atake ng mga pulis.