TUAO West, Cagayan -- Matagumpay na inilunsad nitong Biyernes, Marso 25, ang limang Modernized Public Utility Jeepneys (MPUJ) Class 3 units ng Tuao United Builders Transports Cooperative.

Dadaan ang mga ito sa rutang Tuguegarao City - Tuao, Cagayan sa pamamagitan ng Piat.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga MPUJ units ay nilagyan ng Euro-4 engines, 23-seating capacity at accessories gaya ng dashcams, CCTV, speed limiters, Automatic Fare Collection System (AFCS), at WiFi.

Ginawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 02 ang paglulunsad sa pangunguna ni Regional Director Edward L. Cabase kasama ang Public Utility Vehicle Program Modernization Team (PUVMP Team).

Makikinabang sa MPUJ ang mga estudyante at manggagawa na kailangang lumabas anumang oras.

Ayon kay Cabase, ang PUV Modernization Program ay flagship at non-infrastructure project ng administrasyong Duterte.

Ang layunin nito ay makapagbigay ng komportableng buhay para sa lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng isang ligtas, maaasahan, maginhawa, abot-kaya at environmentally-sustainable public transportation system sa bansa.