Kaugnay ng paggunita pa rin sa International Women's Month, matapang na nagbigay ng kaniyang saloobin si dating 'Pinoy Big Brother' housemate Dawn Chang, hinggil sa mga babaeng naaabuso sa alinmang porma.

Ayon sa kaniyang tweet nitong Marso 18, 2022, "No woman deserves violence or any form of abuse from their partner. May it be physical, financial, emotional or even sexual abuse."

"Be brave enough to leave the relationship but be strong for the aftershock because the abuse sometimes continues even after leaving the relationship," payo naman niya sa mga babaeng nasa isang isang 'abusive relationship'.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Screengrab mula sa Twitter/Dawn Chang

Isang netizen naman ang sumang-ayon sa pahayag ni Dawn.

"True that! Include mental not emotional torture!" saad nito.

Ibinahagi ni Dawn ang tweet na ito matapos mapabalita ang isyu sa umano'y pambubugbog ng dati ring PBB housemate at Kapamilya actor na si Kit Thompson sa kaniyang nobyang si Ana Jalandoni habang sila ay nasa Tagaytay; sa kabilang banda, wala namang pinangalan si Dawn kung para kanino nga ba ang makahulugang tweet na ito.

Kilala si Dawn sa pagsusulong ng women empowerment.