Binura na ng Court of Tax Appeals (CTA) ang mahigit P13 milyong tax liabilities ng isang international hauling company dahil sa pagkabigo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na sundin ang sarili nitong audit guideline.

Sinabi ng Second Division ng korte na ang deficiency tax assessment ng AGS Four Winds International Movers, Inc., dating Executive International Movers, Inc. ng Bagumbayan, Quezon City, ay batay sa revenue memorandum of assignment (RMA) at hindi sa letter of authority (LA) na hinihingi ng Revenue Memorandum Order 43-90.

Ibinasura ni Associate Justice Lanee Cui-David, na sumulat ng desisyon, ang paliwanag ng isang testigo ng BIR na ang RMA ay inisyu ng kanyang district officer upang ipagpatuloy ang imbestigasyon dahil sa paglipat ng orihinal na revenue officer na may LA.

“The use of RMA to audit a taxpayer usurped the authority of the revenue commissioner and his authorized representative to issue LA,” sabi ni David, isang dating information technology revenue deputy commissioner.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi niya na ang orihinal na LA ay dapat na pinalitan ng isang bagong LA na may mga pangalan ng mga itinalagang opisyal, para protektahan ang proseso ng karapatan ng taxpayer.

Ang tax deficiencies ay sumasakop sa income, value-added at final withholding sa buong taon ng 2009.

Magkatuwang na lumagda at sumang-ayon sa desisyon sina Associate Justices Jean Marie A. Bacorro-Villena at Juanito C. Castaneda, Jr.

Jun Ramirez