Umabot na sa 11 na aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dulot ng magnitude 6.4 na lindol sa Occidental Mindoro nitong Lunes ng madaling araw.
Sa pahayag ng Phivolcs, kabilang sa nasaving aftershocks ang magnitude 4.4 na naitala dakong 6:48 ng umaga.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 110 kilometro ng Lubang dakong5:05 ng madaling araw
Bahagya ring naramdaman ang Intensity 3 saQuezon City, Taguig City, Mandaluyong City, at Makati City. Naitala naman ang Intensity 2 sa Talisay sa Batangas.
Bahagya ring naramdaman ang Intensity III sa mga sumusunod na lugar: Calumpit, Bulacan; Guagua, Pampanga; City of Olongapo; Carmona, at City of Tagaytay, Cavite; City of Calapan, Oriental Mindoro.
Naitala rin ang Intensity II sa Las Piñas; Marikina; Muntinlupa; Quezon City; Pasig; Baler, Aurora; Dolores at Gumaca, Quezon; Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Sinabi ng Phivolcs na naapektuhan naman ng Intensity 1 ang City of Parañaque; Pateros; City of Dagupan; Doña Remedios Trinidad, Bulacan; City of Cabanatuan, San Jose City, Nueva Ecija; Magalang, Pampanga; City of Tarlac, Tarlac; Los Baños, Laguna; Infanta, Lucban, Mauban, Mulanay, at Polillo, Quezon; San Jose, Occidental Mindoro; Roxas, Oriental Mindoro; City of Puerto Princesa.
Ang lindol na dulot ng tectonic ay lumikharin ng 29 kilometrong lalim.
Kahit na walang naidulotna pinsala, inaasahan pa ang mga susunod na aftershocks nito, ayon sa Phivolcs.