Proud na proud ang main vocalist ng Filipino band 'Ben&Ben' na si Paolo Benjamin sa kanyang body transformation na kanya namang ibinahagi sa kanyang social media accounts.

Aniya, natupad na ang kanyang matagal na pangarap — ang naabot ang kanyang goal weight.

"These pictures represent years of hard work and sacrifice. Today, I just wanted to celebrate this growth with all of you. Thanks for being there to cheer me on at my lowest moments. I hit my goal weight this week, finally," masayang ibinahagi ni Benjamin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag pa ng singer, kung tatahakin ang landas ng paglago ay siguraduhin na ginagawa mo ito hindi para mapasaya ang ibang tao kundi dahil sa pagmamahal mo sa iyong sarili at sa taong minamahal mo.

"If you are on a path of growth, do it out of love for yourself and do it for the people you love. Never do it just to please others, because it will never be enough. You are enough," ani Benjamin.

"You have so much to offer to the world. I know you're working hard. You got this. You're not alone. I'm rooting for you. I'm with you," mensahe ni Benjamin sa iba.

Kasama niyang sa pagdiriwang ng kanyang body goal ay ang kanyang stretch marks dahil naging parte ito ng kanyang paglalakbay. Gayundin ang kanyang 'past self' sa husay nito at galing.

"In this picture, I also celebrate my stretch marks. Cause they're awesome. I also celebrate my past self, because he's awesome too," proud message ni Benjamin.