BUTUAN CITY - Apat na pinaghihinalaang miyembro ng Commununist New People's Army Terrorists ang inaresto ng militar kasunod ng isang sagupaan sa kabundukan ng Sitio Kilap-agan, Barangay Can-ayan, Malaybalay City sa Bukidnon kamakailan.

Hindi muna isinapubliko ng militar ang pagkakakilanlan ng apat na suspek na nasa kustodiya na ng Malaybalay CityPolice Station.

Ang mga ito ay inaresto ng mga tauhan ng 8th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA) sa Sitio Kilap-agan.

Sa pahayag ni Public Affairs Office chiefMaj. Francisco Garello, Jr. ng 4th Infantry Division, bago ang sagupaan ay nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng namataang mga rebelde at nangingikil at humihingi ng pagkain sa mga residente sa nabanggit na lugar.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Dahil dito, kaagad na nagresponde ang mga sundalo sa lugar kaya nagkaroon ng 30 minutong engkuwentro.

“Both sides reported no casualties, however, bloodstains were found at the enemy withdrawal route as our operating troops are still conducting hot pursuit operations against the fleeing CNTs,” ayon kay Garello.

Idinagdag pa ni Garello na malaking tulong ang mga residente sa pagkakaaresto ng apat na rebelde.

Mike Crismundo