Iniaalok ngayon ng Jose Abad Santos (JAS) sa Davao Occidental sa mga turista ang kabubukas na surfing destination sa Baywalk leisure area sa Barangay Caburan Small upang umangat ang kanilang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Binigyang-diin ni Mayor Jason John Joyce, kailangan lamang nila ang antigen test ng mga bibisita sa kanilang lugar

“The [surfing] site has long been established but it is used for bodyboarding. Just last year, the locals started surfboarding in the area,” sabi ng alkalde.

Isa sa water sport ang bodyboarding kung saan nakadapa ang surfer sa bodyboard at makikipaglaro sa malalaking alon patungong tabing-dagat.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“JAS is your new surfing destination. The people here have enjoyed the exotic surf spots in JAS and we are now ready to share our happy place with the world,” pagdidiin nito.

Nanawagan din ito sa mahihilog sa surfing na subukan ang lugar upang matulungan ang mga residente sa kanilang hanapbuhay.

“Be part of our growth as a community. This will be a big help for our local stores, eateries, tricycle, inns, and others,” sabi ni Joyce.

Hinikayat din nito ang mga turista na makipag-ugnayan lamang sa kanilangmunicipal tourism office sa pagbisita sa lugar.

PNA