Tatlong kontrobersyal na personalidad sa bansa ang bumatikos sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng pagbabaklas ng mga campaign materials sa sakop ng private property nitong Miyerkules.

Sinabi ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon, walang karapatan ang mga opisyal at tauhan ng Comelec na pumasok sa mga private properties nang walang pahintulot upang baklasin lamang ang mga poster at iba pang campaign materials dahil ito ay maituturing na trespassing.

Ipinaliwanag naman ni election lawyer na si Romulo Macalintal, hindi binigyan ng pagkakataon ang mga may-ari ng posters na magpaliwanag bago isinagawa ang pagbabaklas.

Ganito rin ang naging reaksyon ni Senator Leila de Lima.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

“The right of citizens to express their electoral preferences throughmaterial posted, hung or otherwise set up on their own property andmade visible publicly is protected speech. It cannot be subjected toComelec regulation legally without violating the constitutionalproscription against prior restraint," pagdidiinnito.

Sa panig naman ng Comelec, binanggit ng tagapagsalita nito na si James Jimenez namay karapatan pa rin silang tanggalin ang mga poster ng mga kandidato, kahit na nasa loob ito ng pribadong lugar lalo na’t mayroong dapat sundin na size requirement sa mga campaign materials.

Sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Fair Elections Act, nasa 2ft x 3ft lamang ang pinapayagang laki ng bawat campaign posters.

Leonel Abasola