Inendorso nga ba ng American singer, actress, at TV personality na si Cher si Vice President Leni Robredo?
Usap-usapan ngayon sa Twitter ang tila pag-eendorso umano ni Cher kay Robredo.
Nag-umpisa kasi ito sa tweet ng aktres na "excuse don't know Leni" at nireplyan naman ito ng isang netizen at sinabi na kasalukuyang bise presidente ng Pilipinas si Robredo at umano'y "soon" to be president.
Sumagot naman si Cher sa naturang tweet. Aniya,"BRAVO!!LET WOMEN DO IT!!LET LENI, & ALLWOMEN FIGHTING 2 SAVE CLIMATE, CHILDREN, ELDERLY, POOR, HOMELESS, SICK, PPL OF ALL COLORS, ETHNICITIES, LGBTQ. FORCE HONOR IN GOV. MAKE MEDICAL CARE, EDUCATION,CHILDCARE FREE. TAX CORPORATION, STOP CHILD LABOR. ANIMAL CRUELTY, ETC."
At may kalakip itong hashtag na #2Getherwerstrong.
Gayunman, nakatanggap umano ng mga negatibong komento si Cher sa ilang mga netizens. Kaya't binigyang-diin niyang "hindi niya alam ang lahat."
“I DONT KNOW EVERYTHING, EVERYONE, CUT ME SOME SLACK… I WORK HOURS EVERYDAY. SOMETIMES TALKING TO SEVERAL CONTINENTS AT ONCE TRYING TO HELP, MAKE CHANGES. BYE," ani music icon.
Kilala bilang "Goddess of Pop" si Cherilyn Sarkisian o Cher sa Amerika at kasalukuyan itong may perfume line.
Samantala, kinilig ang misis ni vice presidential aspirant at Senador Kiko Pangilinan na si Megastar Sharon Cuneta sa pag-tweet ni Cher, hinggil kay Vice President Leni Robredo at ibinida na ang kaniyang mister na si Sen. Kiko ang ka-tandem ni VP Leni sa pagtakbo sa halalan 2022.