Iniulat ng Department of Health (DOH) na low risk na ngayon sa COVID-19 transmission ang Pilipinas.

Sa lingguhang Talk to the People ni Pang. Rodrigo Duterte, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang bansa ay nakapagtala na ng negative two-week growth rate ng -74% at low-risk average daily attack rate (ADAR) na 5.26 per 100,000 individuals.

Ayon kay Duque, lahat ng rehiyon sa bansa ay klasipikado na rin sa low risk maliban sa Region 11, Cordillera Administrative Region, Region 6, at Region 12, na nasa moderate risk pa.

Aniya pa, ang bansa ay nasa ilalim ng low risk na sa intensive care unit (ICU) utilization.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Maganda po ang sinasabi nito. We are able to manage our cases and our health system's capacity is very much prepared for any eventuality na kung magkaroon na naman ng saka-sakaling pagtaaas, makikita po natin na malaki po ang ating excess at mababa po ang ating unit utilization rate," ani Duque. 

Mary Ann Santiago