Lima pa ang naidagdag sa mga namatay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Bulacan nitong Martes, Pebrero 8.

Ito ang isinapubliko ng Bulacan Provincial Health Office (PHO), bukod pa ang naitalang 40 na panibagong kaso ng sakit sa nasabing araw.

Sa kabuuan, aabot na sa 108,563 ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan, ayon sa PHO.

Paliwanag ng PHO, 24 porsyento sa bilang ng kaso ay mula edad 20-29.

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga

Idinagdag pa na kabilang sa mga bayan at lungsod na nakapagtala ng mataas na bilang ng COVID-19 cases ang Malolos, San Jose Del Monte, at Santa Maria. 

Freddie Velez