Mahaharap sa patung-patong na kaso ang isang alkalde ng Romblon matapos mahuli sa isang tupadahan, kasama ang mahigit sa 200 iba pa sa Ferrol, Romblon nitong Linggo, Pebrero 6.

Kinilala ni Police Regional Office 4B director, Brig. Gen. Sidney Sultan Hernia, ang alkalde ng Ferrol na si Jovencio Li Mayor, Jr. Jr. Kasama rin niya na naaresto ng pulisya ang mahigit sa 200 na sabungero. 

Aniya, tumugon lamang ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa natanggap nilang impormasyong kaugnay ng umano'y nagaganap na tupada sa Tubigon Square Garden sa Barangay Tubigon, Ferrol dakong 10:30 ng umaga.

Inihahanda na ang pulisya ang kasong paglabag sa patakaran ng IATF (inter-Agency Task Force) on COVID, at sa Presidential Decree 449 (Cockfighting Law of 1974).

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Aaron Recuenco