Kukubrahin ng isang mananaya ang mahigit sa ₱29 milyong jackpot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang 6/49 lotto draw nitong Linggo ng gabi.

Sa pahayag ng PCSO, nahulaan ng solo better ang winning combination na 36-29-35-16-03-17 na may katumbas na premyong ₱29,073,809.20.

Gayunman, kakaltasan ito ng 20 porsyento ang premyo, bukod pa ang isang porsyentong commission ng ahente ng lotto.

Hindi pa matukoy ng PCSO ang pinagbilhan ng nanalong ticket.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'