Kumambyo at rumesbak na ang kampo ni Kapamilya actress Andrea Brillantes sa mga netizen na nagbibigay-malisya sa buradong litrato sa IG story ni Kyle Echarri at Darren Espanto na tila nakahiga silang tatlo sa kama.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/06/mga-netizen-ipinagtanggol-sina-kyle-andrea-at-darren-hinggil-sa-buradong-ig-story/

Sa lumabas na opisyal na pahayag mula sa Becky Aguila Artist Management (na burado na ngayon), nagbigay ng tatlong punto ang talent manager ni Andrea upang ipaliwanag ang kuwento sa likod ng naturang viral na litrato.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Screengrab mula sa FB/Becky Aguila Artist Management

“This is to clarify matters about a photo circulating online of our artist Andrea Brillantes with Kyle Echarri and Darren Espanto," saad sa opisyal na pahayag na nasa art card.

"First of all, the photo was taken after a vlog shoot where AC Bonifacio and Xyriel Manabat were also present."

"Second, they have been good friends for a long time, thus, they are comfortable around each other."

"Third. the three are merely taking a selfie and only malicious minds would even think that there is more to that photo."

"“We condemn those who are quick to judge and even went as far as creating rumors online, maligning our artist’s reputation,” they said. “Rest assured that we are taking this matter with utmost vigilance and shall put an end to this unfortunate misunderstanding.”

Ibinahagi naman ito ng co-manager ni Andrea na si Katrina Aguila sa kaniyang social media account.

"We hope this puts an end to all speculations brought about by this supposedly harmless selfie among three good friends.”

May banat pa siya sa mga 'Marites':

"P.s. Okay lang naman maging Marites, pero 'wag naman masobrahan at lumevel up pa sa pagiging echuserang palaka.”

May cryptic Instagram post naman si Andrea na tila pasaring umano sa lahat ng mga basher at hater na nagpapakalat ng kasinungalingan laban sa kaniya. Ibinahagi niya ang art card ng Bible verses mula sa Psalm 62: 1-7.

Screengrab mula sa IG/Andrea Brillantes

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/06/andrea-may-pa-bible-verses-they-delight-in-telling-lies-about-me/

Bukod dito, ibinahagi rin niya ang litrato nilang apat nina Kyle Echarri, Darren Espanto, at AC Bonifacio sa ginanap nilang mini reunion. May text caption itong 'Squad Goal'.

May be an image of 3 people, people standing and text
Kyle Echarri, Andrea Brillantes, Darren Espanto, at AC Bonifacio (Screengrab mula sa IG/Blythe)

Samantala, tila nakisawsaw naman sa isyu ang 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza at nag-post ng 'open letter' para kay Andrea.

"Ang pagkakaroon ng litrato kasama ang isang lalaki sa kama ay hindi nakakababa ng iyong pagkababae. Walang mali dito. Normal na lamang ito sa panahon natin ngayon. Hindi porke may picture kayo sa kama eh ibig sabihin may ginawa na agad kayo." saad nito.

"Parang kami lang ng tropa ko na si Yuka Kuroyanagi last 2017. Nag-sleep over kaming dalawa sa City of Dreams Manila as a friend. Walang nangyari sa amin. Walang malisya at all. Nagkwentuhan lang kami magdamag hanggang nakatulog na lang ako sa kanyang dibdib."

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Sa isa pang video, tila pinatatamaan nito si Darren Espanto habang nakahiga sa kama at kinakanta ang 'Dying Inside To Hold You' na ni-revive ng Kapamilya young singer.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza