Ibinahagi ni 'Rated Korina' host Korina Sanchez-Roxas na may isinagawa rin siyang presidential interviews sa limang presidential candidates, na nauna nang sumalang sa iba't ibang presidential interviews.

Makikita sa Instagram post ni Korina ngayong Pebrero 3 ang video clips ng kaniyang panayam kina Senador Ping Lacson, dating Senador Bongbong Marcos, Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, Senador Manny pacquiao, at Vice President Leni Robredo, na mapapanood na sa Pebrero 5 hangang 6, 2022.

Screengrab mula sa IG/Korina Sanchez-Roxas)

Tsika at Intriga

Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual

Unang sumalang sa 'Upuan ng Katotohanan' si Senador Ping. Sa loob lamang ng walong minuto ay may tanong na sasagutin ang mga presidntial candidates.

"We go into their personal lives and into what makes them all human like us. I went fishing with Sen. Ping Lacson. And then we sit down for the questions," ani Korina.

"Ano ang makukuha mo sa loob ng walong minuto sa bawat kandidato. You'll be surprised. The longer version of the entire interview can be viewed in our YouTube Channel later."

"THIS WEEKEND. Can't miss. Ping Lacson, Bongbong Marcos, Isko Moreno, Manny Pacquiao, Leni Robredo. On #RatedKorina’s Upuan ng Katotohanan," aniya.

Isa sa mga maaaring maitanong ni Korina ang pagsugpo sa mga 'troll farm'. Matatandaang nagbanta si Korina sa mga 'paid trolls' na ilalagay ito sa tamang lugar, dahil biktima rin siya ng mga ito. Ito umano ang kaniyang adbokasiya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/19/korina-sa-mga-paid-trolls-hiyain-muna-natin-nang-todo-bago-pakulong/">https://balita.net.ph/2022/01/19/korina-sa-mga-paid-trolls-hiyain-muna-natin-nang-todo-bago-pakulong/

Sa Pebrero 5, mapapanood ito sa A2Z Channel 11 (5PM), TV5 (7:30PM), at Kapamilya Channel 10:30PM).

Sa Pebrero 6 naman, mapapanood ito sa OnePH (7PM).