Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensiyon ng pagpapatupad ng Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Pebrero 1.

MMDA

Ayon sa MMDA, suspendido ang number coding scheme sa ganap na 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi sa Martes para bigyang-daan ang selebrasyon o pagdiriwang ng Chinese New Year.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ibig-sabihin ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 3 at 4 na sakop ng coding tuwing Martes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila sa coding hours na mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

Pinapaalalahanan ng ahensya ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe at mag-ingat sa pagmamaneho.

Bella Gamotea