BAGUIO CITY - Ipinahayag ni contact tracing czar at Mayor Benjamin Magalong na muli siyang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa ikalawang pagkakataon nitong Linggo, Enero 30.

Ito ang ikalawang beses na tinamaan ng virus si Magalong, na noong una ay nakaligtas sa severe symptoms noong Abril 2021.

Sa kanyang social media post, ipinaalam ni Magalong sa publiko  na naramdaman niya ang mga sintomas noong Enero 29 at ito ay very mild lamang.

"My swab test result came out last night. I am positive for COVID-19.  My symptoms appeared Saturday evening. I will be on home isolation until Saturday. Please take care of yourselves and your families," panawagan ng alkalde.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Aniya, habang nasa isolation ay ipagpapatuloy niyang magampanan ang kanyang tungkulin bilang alkalde sa pamamagitan ng digital means.

"Let's have a productive week," panawagan naman nito sa mga department heads ng city hall.

Zaldy Comanda