Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 16,953 na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong Linggo, Enero 30, 2022.

Umakyat naman sa 202,864 ang aktibong kaso sa bansa.

Sa naturang bilang ng aktibong kaso, 11,277 ang asymptomatic, 186,550 ang mild symptoms, 3,176 ang moderate, umabot naman sa 1,534 ang severe at 327 naman ang kritikal. 

Gayunman, nakapagtala ng 27,638 na bagong gumaling sa virus at 20 naman ang namatay sanhi upang umabot sa 3,288,925 ang kabuuang bilang ng nakarekober at 53,891 ang namatay.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Samantala, umabot na sa 3,545,680 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa simula noong magkapandemya noong 2020.