DAVAO CITY - Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 12 na karagdagang kaso ng Omicron variant cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Sabado, Enero 29.
Sa datos ng DOH-Davao, aabot na sa 17 ang kaso ng nabanggit na variant, kabilang ang limang naiulat nitong Enero 20 na nakarekober na sa sakit.
Paglilinaw ng DOH, 10 sa nabanggit na bilang ang local cases at dalawa naman ang returning overseas Filipinos (ROFs) na pawang taga-Davao City.
Gayunman, hindi pa ring nakapagbibigay ng case profiles ang DOH, gayundin ang kalagayan ng 12 na pinakahuling tinamaan ng variant.
Tiniyak naman ngRegional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) na nakikipagtulungan na sila sa mgalocal government units (LGUs) na nakapagtala ng mga kaso nito para sa pagsasagawa ng intensive case investigation at upang maisaayos ang panuntunan sa laban sa variant.
Idinagdag pa ng DOH na nakapagtala na sila ng 123,945 na kaso ng COVID-19 sa Davao region.
Antonio Colina IV