Matapos ang pag-anunsyong magsisimula na ang soft opening ng sikat na rides and amusement park na 'Star City' sa Enero 14, naglabas ulit sila ng opisyal na pahayag at update na hindi na ito matutuloy dahil sa surge ng mga kaso ng COVID-19 sa pagpasok ng 2022.

May be an image of 1 person, outdoors and text that says 'STAR GITY WEARE WE ARE BACK SOFT OPENING JANUARY 14, 2022 f StarCityPH INTRODUCTORY PRICE STAR PASS OPEN DAILY 2:00PM-10:00PM AUR ₱400 ONLY! Iam starcity philippines starcity.com.ph'
Screengrab mula sa FB/Star City

Screengrab mula sa FB/Star City

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"MUKHANG MAY MA-POPOSTPONE NA REOPENING," saad sa kanilang Facebook post nitong Enero 8.

"Sorry na, na-excite lang talaga kaming mag-announce, namiss kasi talaga namin kayo. Kaso dumadami yung mga COVID-19 cases so doble ingat muna. Siyempre mahal namin kayong mga guests at employees namin & yung health and safety n'yong lahat ang priority ni Star City."

"Okay lang ba i-usod natin nang konti ang opening date? Pramis, pag okay na ang lahat magkikita-kita tayo muli. Sure na!

Maraming Salamat at Mag-ingat kayong lahat please."

Hati naman ang naging reaksyon at komento rito ng mga netizen na talagang matagal nang nagpupunta sa Star City.

"Miss na rin namin kayo! Pero tama kayo, health and safety pa rin ang priority natin. Baka mamaya masisi pa kayo kapag mas dumami na naman ang mga kaso."

"Okay lang 'yan mga lodi. Kaysa naman sa pagkatapos magsaya eh sakit naman at lungkot ang abutin. Willing to wait kami!"

"Harinawa mawala na ang COVID-19 para back to operation na kayo. Miss na kayo ng mga bata ay young at heart!"

Ang Star City ay makikita sa reclaimed area ng Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City. Noong 2019, napabalita ang sunog na naganap dito kaya nagsara sila para sa reconstruction. Nagkataon naman na dumating ang pandemya kaya hindi pa sila nakapag-operate noong 2020 hanggang 2021.