Inaresto na ng pulisya ang isang suspek sa pagpatay kay Trece Martires CityAssistant City Prosecutor Edilbert Mendozanoong Disyembre 31, 2021 ng umaga, sa ikinasang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite nitong Enero 7 ng gabi.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na kinilala ni Philippine National Police chief, Gen. Dionardo Carlos nitong Linggo, Enero 9, na sina Marvin Tagayon Linaban.
Naaresto rin sa nasabing operasyon ang kasamahan na si Elvin Esguerra, 40, nang bentahan umano nito ng iligal na droga ang mga pulis.
Naiulat ng pulisya na inaresto si Linaban sa ikinasang anti-drug operation ng mga tauhan ng Cavite Drug Enforcement Unit sa Barangay H2, Dasmariñas City dakong 10:30 ng gabi.
Nasamsam sa mga ito ang₱69,000 na halaga ng iligal na droga.
Paliwanag ng pulisya, inamin ni Linaban ang pagkakasangkot nito sa krimen.
Matatandaang pinagbabaril ng mga hindi nakikilalang lalaki si Mendoza habang ito ay nag-eehersisyo sa kanilang bakuran sa Brgy. Cabuco sa Trece Martires City.
Dead on the spot ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa katawan, ayon sa pulisya.
PNA