Sa isang live broadcast ng 24 Oras, ang flagship newscast program ng GMA, noong Disyembre 31, Biyernes, isang hindi inaasahang panauhin ang namataan sa likod ni Mel Tiangco.

Habang naghahatid ng inisyal na balita ang batikang host na si Mel bandang 7:37 ng gabi noong Biyernes, isang puting pusa ang umagaw sa atensyon ng live broadcast ng programa.

Kaswal na tumawid ang pusa sa kabilang side ng studio matapos tila walang anu-anong lumabas ito sa likod ng isang screen.

Dahil dito, isang netizen ang nagbahagi ng cute na cute na eksenang ito sa Facebook na agad namang kinagiliwan at instant viral sa social media.

Human-Interest

Estudyanteng naputulan ng paa dahil sa sakit, gustong magkaroon ng prosthetic leg

“Ang mas pinalakas na 24 Oras ngayong Disyembre 31, 2021 feat. Kapusang Totoo,” caption ni Martin-Chino Morales sa isang Facebook post.

“May pusa sa settttttt!” aniya pa.

Dahil sa pambihirang pagkakataon, agad din itong umani ng atensyon sa social media.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 22,000 reactions na ang agaw-eksenang pusa sa set ng naturang programa.