Tampok sa music video ng kantang 'Nais Ko' si Manila City mayor at presidential aspirant Isko Moreno, na kung saan ay ipinakita niya ang hirap ang pamumuhay sa Tondo.

Kasama ni Moreno ang mga kilalang rapper na sina Smugglaz at Bassilyo.

Umabot na sa 2.1 million views ang nasabing music video na inilabas noong Disyembre 18.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

PANUORIN: Nais Ko official music video (Smugglaz, Bassilyo feat. Yorme)

Sa music video mapapanuod ang payak na pamumuyak ni Moreno sa Tondo, Maynila, na kung saan ay nag-uulam ng tuyo sa agahan, susundan ng pagkain ng street foods tulad ng fishballs, at pagsakay ng pedicab.

Binigyang-diin din sa kanta ang iba't-ibang problema sa lipunan tulad ng patas na tsansa para sa trabaho.

“Sa hirap man ng buhay naabuso, lalo lang tumibay, lumakas, natuto batang kalye na nangarap landas nya ay mahanap, at maging isang alamat sa tundo,” parte ng lyrics ng kanta.

“Ikaw NaIsko! Wala ng maraming dahilan (Posible!) Ugaling makupad na di maka usad dapat na nating palitan. Ikaw Nais Ko! Mangarap ka wag mag alangan (Pwede!) Kahit mahirap ika’y magsumikap sa buhay laging galingan (Naman!) Ikaw NaIsko!,” ayon sa chorus ng kanta.

Hinikayat naman ng alkade ang publiko na ituloy ang pangarap at pagsusumikap.

“Mangarap ka! Huwag mag-alangan kahit mahirap ika’y magsumikap sa buhay laging galingan. Pwede, kaya, posible, naman!,” ani Moreno sa kanyang Facebook post.